Ikalawang Taon sa UP
Naging professor ko yung nagdisenyo ng UP Sablay, nagkaroon ng orgmate na math instructor (buddy ko nung applicant palang ako kaya special mention), tapos naging orgmate yung professor sa isang film class eventually. Big deal sa’kin ang mga ito noong panahon na nararanasan ko sila. Manghang-mangha ba. What are the odds? Sa sobrang lawak ng UP, ang liit pa rin ng mundo sa loob. Kaya naging maingat na sa paghook-up. Chz. Nakakita, nakausap ng mga artista’t aktor. Nakapanood ng shoot, naging bahagi, gumawa ng sarili. Sa sobrang daming opportunities, wala ka nang mapili at pinapalipas nalang sila; umaasang marami pa namang dadating. Nagkaroon na ng beep card. Nadelay sa MRT at inakalang sobrang tagal. 2 minutes lang pala. Narealize na malaking bagay pala yung nawala sa dalwang minutong delay ng tren – o siguro ganun lang sa metro manila. Iba ang takbo ng oras at tao sa terminal sa Centris tuwing tanghali at gabi. Sobrang daming ruta ng jeep at kapag mali ang sinakyan mo, paniguradong magla