Malikhaing Pagsulat: SHS

Narito ang aking mga akda noong Senior High School sa asignaturang Malikhaing Pagsulat. Binubuo ito ng limang tula, isang dula at maikling kwento na naging pangunahing kahilingan ng nasabing klase. Mangyaring pindutin ang bawat pamagat bilang link kung nais basahin.


#1 TULA: Diona-Tanaga-Haiku, Nobyembre 27, 2017
Mga halimbawa ng iba't ibang anyo ng tula: Ang Diona, ang Tanaga, at ang Haiku

#2 TULA: Soneto, Disyembre 5, 2017
Isang soneto na may pamagat na PANGULONG DUTERTE


#3 TULA: Sukat at Tugma, Disyembre 15, 2017
Hindi mawawala ang anyo ng tula na may sukat at tugma. Ito ay may pamagat na - ANG HIKAHOS NG DEPRESYON.

Maikling sipi:
Nagbubuhol-buhol – buhol ang mga titik
Nagwawala, walang ideya sa isip
Sa lahat ng tanong, natira ang bakit
Bakit? …may mga bagay na di ko mabatid
#4 MAIKLING KWENTO: Dugo at Tubig, Enero 24, 2018
Ito ay isa sa mga maipagmamalaki kong akda. Hinugot mula sa kasalukuyang War on Drugs.
Maikling sipi:

“Walang kikilos! Raid ‘to!” 
sigaw ng pulis pagkapasok ng silid, subalit napahinto ito sa nakita.

Tumingin ang lalaking nakaluhod at nangusap ang mata, “Patawad, huwag mo akong isuplong sa mga pulis. Hindi na ako gagamit. Hindi na ito mauulit.” 

Natigilan ang pulis. Hindi tiyak kung ano ang tamang gawin. Hindi tiyak kung ano ang dapat na gawin. Hindi tiyak kung ano ang kailangan niyang gawin.








#5 DULA: Batang Bata Ka Pa , Pebrero 15, 2018
Dulang may isang yugto
Kwento ng isang pamilyang Pilipino na itinatanghal ang relasyon ng magkakapatid at magulang.
Maikling Sipi:

UNANG EKSENA
(Sa tahanan ng pamilya Reyes, mag-uusap ang mag-asawa sa hapagkainan)

RONALD
(balisa, tatayo mula sa pagkakaupo)
‘Wag ka nalang munang magtrabaho…diba ayun ang payo ng doctor, hindi ka rin makakapagtrabaho nang ayos.

ELENA
(Nakaupo, kapwa balisa)
Hindi pwede. Kailangan kong magtrabaho. Magkokolehiyo na si Hazzel, naggagawa na ng tesis si Anne. Paano ang gastusin sa bahay?

RONALD
(lalapit sa asawa)
May trabaho naman ako diba. Ako na ang bahala sa pera, tsaka kailangan ka ng mga bata.

ELENA
(aalisin ang tingin sa asawa)
Hindi sasapat ang sweldo mo buwan-buwan. Kailangan natin dalawang magtrabaho para sa apat nating mga anak –

RONALD
(puputulin ang pagsasalita ng asawa, bahagyang tataas ang boses)
Elena! Hindi mo ba naiintindihan? May sakit ka. Bawal ka nang magtrabaho.

ELENA
(tatayo mula sa pagkakaupo)
At sa tingin mo, kapag ba nanatili ako sa bahay hindi rin ako magtatrabaho. Sino ang gagawa ng gawaing bahay? Si Jona? Eh sa sitwasyon natin ngayon, kakailanganin natin siyang tanggalan ng trabaho dahil wala na tayong maipapasweldo sa kanya!

RONALD
(maiinis, iikot sa kabilang upuan at haharapin si Elena)
Anong gusto mong sabihin? Huh?! Hindi ko kayang buhayin ang pamilyang ‘to?
(susubukang huminahon)
Ang mga anak natin ang tutulong sayo, malalaki na sila. Basta…basta huwag ka na munang magtrabaho.

ELENA
(tataas ang boses, bahagyang lalayo sa asawa)
Hindi! Sa ayaw at sa gusto mo, magtatrabaho ako para sa pamilyang ‘to! Ikaw ang hindi nakakaintindi Ronaldo!

RONALD
(Tataas din ang boses)
Ano ba naman, Elena! May sakit ka! MAY SAKIT KA! (Beat) Sige magtrabaho ka! Magtrabaho ka para makaipon ka ng maraming pera at ano? Kapag lumala ‘yang sakit mo, hindi ba doon din naman mapupunta lahat ng perang pinaghirapan mo?!

(Papasok sa eksena ang magkapatid na si HAZZEL at DANIEL na kakagaling lang mula sa eskwelahan; hindi na sasagot si ELENA nang makita ang mga anak; mapapansin ni RONALD)

DANIEL
(lalapit sa magulang at magmamano)
(kay RONALD) Magandang hapon po Pa …(kay ELENA) Ma.

(Lalabas sa eksena, samantalang si HAZZEL ay nakakunot ang noo, lalapit at lalampasan ang magulang – akmang lalabas din sa eksena)

RONALD
(sisitahin ang anak)
Hazzel! Pumarito ka at magmano ka sa’min ng Mama mo.

(Babalik si HAZZEL at magmamano nang hindi titingin sa mga magulang; lalabas sa eksena pagkatapos; lalabas din sa eksena ang mag-asawang ELENA at RONALD)

---
Para sa iba pang akdang Filipino: 

Wikang Filipino (pabula, sanaysay, tula, talumpati, atbp)

Filipino sa Piling Larangan: 2017 (Isang Portfolio para sa Sulating Akademik)
-Bionote
-Repleksibong Sanaysay
-Talumpati
-Posisyong Papel
-Lakbay-Sanaysay
-Photo Essay
-Abstract




Comments

Popular posts from this blog

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pelikula at Bansa: Ang Pagbuo ng National Cinema

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pelikula at Bansa: Mga Potensyal at Hadlang Para sa Kaunlaran

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Bar Boys (2017): A Movie Review

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna