Posts

Showing posts with the label akademikong sulatin

Pagsulat sa Filipino - Abstrak

Ang Paggamit ng Pormal at Di-Pormal na Salita sa Akademikong Sulatin ng mga Mag-aaral ng Ikasampung Baitang ng Joy In Learning School, Inc. Taong 2017-2018 Ang kaalaman at kakahayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng iba’t ibang kaantasan ng wika ay pag-aaralan sa panananliksik na ito. Layunin ng pag-aaral ang alamin ang kasanayan ng mga mag-aaral ng Ikasampung Baitang ng Joy In Learning School, Inc. sa paggamit ng wastong antas ng wika sa mga akademikong sulatin. Ang pagkatuto sa mga di-pormal na salita ay nakakaapekto sa wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa akademikong sulatin kung saan pormal na wika ang ginagamit. Binibigyang tuon ng pag-aaral na mabatid ang wikang madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw at sa paaralan, masuri ang kaalaman ng mga kalahok sa pormal at di-pormal na salita, at mabigyang kahulugan ang kaantasan ng wika at mga uri nito. Inaasahan din na ang pananaliksik na ito ay magiging mahalaga sa mga mag-aaral, guro, paaralan at makakatulong bilang san...

Pagsulat sa Filipino - Photo Essay

Image
“Ang pagpapakamatay ay hindi pumapatay sa mga tao, ang kalungkutan ay siyang pumapatay ng mga tao.” Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, September 2017 Hindi ko pagmamay-ari ang lahat ng larawan na ginamit sa akdang ito. Kinuha at ginamit lamang para sa pang-akademikong layunin. 

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Image
“Summer capital of the Philippines,” ganito binansagan ang lugar na Baguio City. Sa aking mga paglalakbay, isa ang Baguio sa aking mga hindi malilimutan. Tatlong beses na akong nakarating dito: ang unang dalawa (Septyembre 2007 at Mayo 2016) ay kasama ang aking pamilya at ang huli ay field trip sa aming paaralan (Oktubre 2016). “Hindi nakakasawa,” sabi ko sa aking isipan nang makarating muli ako.             Malamig ang klima rito, batid naman ito ng nakakarami; ito na siguro ang pangunahing dahilan ng mga turista sa kanilang pagbisita. Subalit bukod sa malamig na klima, tunay na marami pang maipagmamalaki ang Baguio! Isa na rito ang Burnham Park , ang itinuturing puso ng Baguio. Dahil hindi iyon ang aking unang pagbisita, masasabi ko na may mga nagbago. Lalong dumami ang tao, mas pinaganda ang ilang anyo ng istraktura, at higit na kasiya-siya kumpara sa aking huling pagpunta. (Trivia! Ang tanyag na parke na ito ay ipinangalan...

Pagsulat sa Filipino - Repleksibong Sanaysay

Image
Nasagot ko na noon ang tanong na: Ano ang pinakamahalagang pangyayari sa iyong buhay? Nasagot ko na rin kung ano ang pinakamahirap na naranasan ko. Sa pagdaan ng panahon, sa paglipas ng mga taon, at sa pagdating ng kasalukuyan, hindi pa rin nababago ang aking sagot. Image by Quang Nguyen vinh from Pixabay Ang pagkakaroon ko ng mga kaibigan ang pinakamahalagang nangyari sa aking buhay at ang pag-iwan ko sa kanila ang pinakamahirap. Tila ang kasagutan ko sa dalawang tanong ay iisa – ang pagkakaroon ng kaibigan ang pinakamahalaga at pinakamahirap na pangyayari sa buhay ko. Ang kasaysayan ng aming pagkakaibigan ay hindi inaasahan; magkakaiba ang aming mga hilig, interes, at pananaw sa buhay. Hindi ko kailanman inakala na magiging kaibigan ko sila at hindi rin nila inakala na magiging kaibigan nila ako. Sino ang makapagsasabi? Marami talagang pagkakataon sa buhay ang hindi mo inaasahan.  Ang pagiging bahagi nila sa buhay ko ay naging pinakamahalaga dahil nabago at binago n...

Pagsulat sa Filipino - BIONOTE

            Si [Juan Dela Cruz] ay nagtapos ng BS Architecture sa Ateneo de Manila University ng may mataas na parangal, kasalukuyang miyembro ng Philippine Association of Young Architects na kabilang sa Asia’s Guild of Engineers and Architects. Nakadalo ng ilang prominenteng komperensiya: Futuristic Architecture 2022 sa SMX Convention Center, Pasay City; Beyond Philippine Architecture 2023 Conference sa Baguio City; at Asia’s First Architectural Summit 2024 sa Tokyo, Japan. May isang taong karanasan sa pagtatrabaho sa isang pribadong kompanya. Naghahangad siya na magamit ang mga natutunan, karanasan, kasanayan, at talento na maaaring makatulong sa pag-unlad ng papasuking trabaho. Ang aplikante rin ay may sapat na kakayahan at kaalaman sa sumusunod na mga larangan: exterior designing, residential planning, at contemporary architecture.  Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, July 2017

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Image
Pilipino ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba ang swerte mo! Alam mo ba na ang Pilipinas ay hitik sa kultura at kakikitaan ng maraming wika? Kung Pilipino ka, bakit ‘di mo pagyamanin at ipagmalaki? Ipakita sa buong mundo na ang kultura at wikang Pilipino ay nararapat lamang pahalagahan at payabungin. Isang araw, may isang dayuhan na nagtanong sa’kin, “Are you Filipinos really like that?” Hindi ko ito nabatid at sinubukan kong linawin ang kanyang tanong. Sa aming pag-uusap, nalaman ko na hinahangaan niya ang kaugalian at wika ng mga Pilipino. Napaisip ako at tinanong ang sarili, “Ano nga bang mayroon sa ating mga Pilipino?” “Ano nga bang mayroon sa ating mga Pilipino?” Tayo ay tumigil muna, mag-isip, at magtanong – “Ano ang mayroon sa ating mga Pilipino? Paano naging natatangi ang ating bansa? At Bakit tila maraming dayuhan ang nahuhumaling sa kultura at wikang Filipino?” Ito ang aking naging sagot: Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng maraming isla at n...