Wala ka pa sa realidad #01
PART 1: Kasalanan ang gumising nang maaga Lunes. Nag-alarm ako ng 5:30am. Ngayon ang araw ng onboarding ko sa trabaho. Naligo ako agad dahil pakay kong pumunta ng campus para magpa-scan at print ng mga job requirements. Hindi ko nagawa noong weekend dahil umuwi ako ng Laguna para makipagkita sa mga dating kaibigan at para damayan ang isa sa amin na kakabreak lang sa nobya. Hindi ko rin nagawa noong nakaraang linggo dahil nais kong pagsabayin sila kapag kumpleto na lahat ang dokumento. Sumakay na ako ng jeep at tiniis ang halos isang oras na traffic sa Katipunan Avenue. Pambihira ito sa 10-15 minutes na normal na byahe pero dahil morning rush, alam kong male-late ako sa trabaho. 7am na ako nakarating sa loob ng campus at nalamang sarado (malamang) pa ang pakay kong computer shop. Buti nalang may isang bukas sa Area 2. Hindi nga lang nakatulong na ilang beses inulit yung scan dahil sira yung gamit nilang machine. Kahit alam kong suntok sa buwan ang makabook sa ganoong oras, sinubukan ko