Pagsulat sa Filipino - Abstrak
Ang Paggamit ng Pormal at Di-Pormal na
Salita sa Akademikong Sulatin ng mga Mag-aaral ng Ikasampung Baitang ng Joy In
Learning School, Inc. Taong 2017-2018
Ang kaalaman at
kakahayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng iba’t ibang kaantasan ng wika ay
pag-aaralan sa panananliksik na ito. Layunin ng pag-aaral ang alamin ang
kasanayan ng mga mag-aaral ng Ikasampung Baitang ng Joy In Learning School,
Inc. sa paggamit ng wastong antas ng wika sa mga akademikong sulatin. Ang
pagkatuto sa mga di-pormal na salita ay nakakaapekto sa wikang ginagamit ng mga
mag-aaral sa akademikong sulatin kung saan pormal na wika ang ginagamit. Binibigyang
tuon ng pag-aaral na mabatid ang wikang madalas gamitin ng mga mag-aaral sa
pang-araw-araw at sa paaralan, masuri ang kaalaman ng mga kalahok sa pormal at
di-pormal na salita, at mabigyang kahulugan ang kaantasan ng wika at mga uri
nito. Inaasahan din na ang pananaliksik na ito ay magiging mahalaga sa mga
mag-aaral, guro, paaralan at makakatulong bilang sanggunian para sa ibang
mananaliksik.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, October 2017
Comments
Post a Comment