Tiwala

“Napakahirap makuha pero napakadaling mawala.” 

Isang bagay na kailangan mo munang paghirapan bago mo makuha nang buo. Tunay na mahirap, tunay na komplikado, at tunay na mahalaga; ito ang tiwala! Masasabing lahat ng tao pinapahalagan ito. Alam natin ang kahalagahan nito sa anumang relasyon: relasyon sa kapwa, sa kaibigan, sa pamilya, pati na rin sa sarili. Ngunit alam ba talaga natin ang totoong kahalagan nito?

Ang tiwala ang nagsisilbing sandigan ng anumang relasyon. Ito ang nagpapanatili ng samahan upang magpatuloy at lalong tumatag. Ito an gating pinanghahawakan kahit gaano pa karami ang ating hinala. Ang tiwala rin ang nagpapalakas ng loob ng isang indibidwal upang gumawa sa buong makakaya. Ito rin ang nagpapanatag ng ating kalooban at kaisipan. Ubod na halaga ang tiwala kaya marapat lamang na pahalagahan ito. 

Ang problema sa tao, alam natin ang kahalagan nito subalit hindi natin lubos na alam kung paano ito mapapahalagahan nang tama kapag ibinigay sa atin ito ng ating kapwa. Maraming tiwala ang nasisira, nawawala, at naglalahong parang bula. May mga taong nasasayang ito. Marmi rin ang pinaghihirapan ito. Kailangan rin natin isipin na ang pagtitiwala ay para lamang sa nararapat na tao. Mahalaga pa rin ito subalit maging maingat tayo sa pagbibigay ng tiwala. 



Likas sa atin na magtiwala agad; marahil sa isipan natin na katiwa-tiwala ang taong pagkakatiwalaan natin. Huwag tayong matakot subalit manatiling maingat dahil –hindi lahat ng inaakala mo ay totoo!



---

-TBWS
2015


Comments

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Buhay Estudyante

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Bar Boys (2017): A Movie Review

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino