Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino
Pilipino ka ba? Kung oo ang sagot mo, aba ang
swerte mo! Alam mo ba na ang Pilipinas ay hitik sa kultura at kakikitaan ng
maraming wika? Kung Pilipino ka, bakit ‘di mo pagyamanin at ipagmalaki? Ipakita
sa buong mundo na ang kultura at wikang Pilipino ay nararapat lamang
pahalagahan at payabungin.
Isang araw, may isang dayuhan na nagtanong sa’kin, “Are you Filipinos really like that?” Hindi ko ito nabatid at sinubukan kong linawin ang kanyang tanong. Sa aming pag-uusap, nalaman ko na hinahangaan niya ang kaugalian at wika ng mga Pilipino. Napaisip ako at tinanong ang sarili, “Ano nga bang mayroon sa ating mga Pilipino?” “Ano nga bang mayroon sa ating mga Pilipino?”
Tayo ay tumigil muna, mag-isip, at magtanong –
“Ano ang mayroon sa ating mga Pilipino? Paano naging natatangi ang ating bansa?
At Bakit tila maraming dayuhan ang nahuhumaling sa kultura at wikang Filipino?”
Ito ang aking naging sagot:
Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo
ng maraming isla at nahahati sa maraming rehiyon. Ang bawat rehiyon ay may
kani-kaniyang tradisyon na nagmula pa sa ating mga ninuno. Mga tradisyon tulad
ng pagdiriwang ng kapistahan na puno ng buhay at saya, pagpupugay sa mga
mahahalagang pangyayari sa kasaysayan, at sa mga kagawian ng mga pamilya
taon-taon na nagpapakita ng ating katangian. Isama pa ang kaugalian na
natatangi lamang sa mga Pilipino: Ang paggamit ng “po” at “opo”; “ate” at
“kuya” bilang paggalang sa matatanda at nakakatanda. Isa lamang ito sa
natatangi sa ating mga Pilipino! Nawa’y ating ipagpatuloy ang ganitong
kaugalian dahil tunay naman na kahanga-hanga ito. Idagdag pa natin ang wika na
bahagi ng Kulturang Pilipino. Naging mahalagang instrumento ito sa
pagpapalaganap ng kultura. Ang pagkakahati ng bansa sa mga rehiyon, pagkakaroon
ng mga pangkat-etniko, at pagiging multicultural na komunidad ay mga dahilan sa
pagiging mayaman sa wika ng Pilipinas. Ating pahalagahan ang ating pambansang
wika at ipagpatuloy ang paggamit ng mga dayalekto ng ating tinitirhan upang
manatiling buo at buhay ang wikang Filipino.
Hayaan niyo akong tapusin ito sa pagsasabing:
Ang wika ay makapangyarihan! Maniwala ka at subukan. Magsulat ka, magsalita ka, at makinig ka sa sariling wika. Saka mo malalaman ang tunay na kapangyarihan nito. Tandaan, ang kasaganahan sa kultura ay nagpapakita ng kaunlaran ng bansa! Uulitin ko ang una kong katanungan: Pilipino ka ba? Kung oo, huwag ikahiya at ipagmalaki ang kultura at wika mo!
---
-TBWS
July 21, 2017
Isa sa aking mga akademikong sulatin sa asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Laranagan.
Bisitahin ang link na ito para sa ibang sulating akademik: Isang Portfolio para sa Sulating Akademik
Bisitahin ang link na ito para sa ibang sulating akademik: Isang Portfolio para sa Sulating Akademik
This blew up! Pwedeng malaman kung taga saan mga viewers nito? School? Taong nag-refer sa link? He-he-he salamat!
ReplyDeleteSo far, this has the most views in my blog.
Batangas Eastern Colleges Grade 11-Louis Pasteur
DeleteWhat's the connection of the title to the content?
ReplyDeleteHello! The title was only a prompt for the speech activity in class.
DeleteWhile the content is just an anecdote and rhetoric. With regards connection (well there wasn't really a title for my speech), I probably aimed to highlight the richness of native culture and languages.
Summary po ng 100 to 150 words po neto ang gnda po
ReplyDelete