Torpe

Torpe! Torpe! Torpe! Isang salita na tumutukoy sa taong hindi mailabas ang kanyang damdamin. Maraming ganyan lalo na sa panliligaw. May taong gustong gusto mo subalit hindi mo masabi kasi TORPE ka. Gusto mo siyang makausap at makasama kaso hindi mo kaya kasi nga TORPE ka. Nais mong lumapit at sabihin ang nararamdaman mo pero hindi mo magawa kasi TORPE ka.




Ano nga ba ang Torpe? Paano mo masasabing Torpe ang isang lalaki? Mismo ako, masasabi ko na
ako ay isang torpeng lalaki. Nahihiya, nangangamba, nanghihina ang loob at higit sa lahat natatakot mareject, ganyan na ganyan ang saktong nararamdaman ng isang torpeng lalaki. Kahit gusto mo ang isang tao, mahihiya ka kasi baka hindi ka pansinin o kausapin kapag lumapit ka. Nangangamba ka kung anong mangyayari, kung ayos lang ba sa kanya kapag sinabi mo ang nararamdaman mo. Manghihina ang loob mo sa takot na baka ireject ka kapag nagtapat ka sa kanya.

Ang pagiging torpe ng isang lalaki ay nakadepende rin sa babaeng nagugustuhan niya. Kapag alam niya na madaming nagkakagusto sa babae, lalong tataas ang lebel ng pagkatorpe niya at kung alam naman niya na may gusto rin sa kanya yung babae, siguradong mawawala ang katorpehan ng isang lalaki. Ang hirap umibig lalo na kapag maraming kaagaw pero para sa akin tanggalin mo na ang katorpehan mo sa katawan at sabihin mo ang nais mo. Ayos lang na mareject kaysa masayang ang pagkakataon dahil hindi mo nasabi ang iyong mismong nararamdaman.

Pero sa totoo lang, kapag TORPE, sila yung marunong makiramdam, marunong mahiya at maghintay at higit sa lahat sila pa yung totoo kung magmahal.


-TBWS
March 2014

Comments

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Tiwala

Bar Boys (2017): A Movie Review

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Patay na si Hesus (2016): A Review

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)