Walang papel, walang ballpen, walang assignment, walang pasok! Ganyan ang buhay estudyante, masarap, mahirap, madali, nakakainis, at nakakapagod . Masarap maging estudyante kasi araw-araw may baon. Mahirap lalo na kapag maraming assignments at proyekto. Madali kapag nabubuhay ka sa hingi. Nakakainis kapag palaging napapagalitan ng guro at nakakapagod gumising ng umaga. Buhay estudyante! Madaming nangyayari sa isang estudyante. Marami kang nararanasan na kung ano-ano. Mapagalitan, mapatayo, mapahiya, bumagsak, mapatawag sa office, magkaroon ng kaibigan, makipag-away , gumala, magsaya, umuwi ng gabi, magsinungaling, gumawa ng kalokohan at lalo na ang umibig . Walang araw na hindi magtatawanan ang barkada. Naranasan mo nang bumagsak at nakalimutang may assignment. Madalas kang kumopya at manggaya. Naranasan mo nang kumain at magtext ng patago habang nagkaklase. Kalimitang walang papel . Meron kang pangload pero wala kang pambili ng papel at ballpen. Minsan papasok na lang
Comments
Post a Comment