Buhay Estudyante

Walang papel, walang ballpen, walang assignment, walang pasok! Ganyan ang buhay estudyante, masarap, mahirap, madali, nakakainis, at nakakapagod. Masarap maging estudyante kasi araw-araw may baon. Mahirap lalo na kapag maraming assignments at proyekto. Madali kapag nabubuhay ka sa hingi. Nakakainis kapag palaging napapagalitan ng guro at nakakapagod gumising ng umaga.

Buhay estudyante! Madaming nangyayari sa isang estudyante. Marami kang nararanasan na kung ano-ano. Mapagalitan, mapatayo, mapahiya, bumagsak, mapatawag sa office, magkaroon ng kaibigan, makipag-away , gumala, magsaya, umuwi ng gabi, magsinungaling, gumawa ng kalokohan at lalo na ang umibig.

Walang araw na hindi magtatawanan ang barkada. Naranasan mo nang bumagsak at nakalimutang may assignment. Madalas kang kumopya at manggaya. Naranasan mo nang kumain at magtext ng patago habang nagkaklase. Kalimitang walang papel. Meron kang pangload pero wala kang pambili ng papel at ballpen.

Minsan papasok na lang sa isip mo na mas gusto mong maging bata nalang ulit. Laro doon, laro dito, walang mabigat na assignments, walang stress, magsusulat at magkokolor lang maghapon. Pero sigurado ako na paglaki mo, mami-miss at mami-miss mo rin ang pagiging estudyante. Kaya sulitin mo na ang bawat araw ng pagiging estudyante mo. Huwag puro kalokohan maging responsable tayo kahit minsan. Ayos lang gumimik basta magpaalam ng ayos sa magulang. Huwag mabuhay sa hingi matuto kang bumili kahit minsan. Masaya maging estudyante, PRAMIS!

-TBWS
March 31, 2014

---
Ang sanaysay na ito ay naisulat noong taong 2014 at nagkaroon ng short film adaptation sa parehong taon bilang proyekto sa paaralan na pinamagatang "Klas.rum". (Ito ang link kung nais mong panoorin: https://youtu.be/6tPeFK1-w_E




Comments

Popular posts from this blog

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pelikula at Bansa: Ang Pagbuo ng National Cinema

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pelikula at Bansa: Mga Potensyal at Hadlang Para sa Kaunlaran

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Bar Boys (2017): A Movie Review

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna