[EULOGY] SI ANSELMO, EMONG, AT KONSEHAL
[TRANSCRIPT; EDITED FULL SPEECH] Hello. Ako si Ace, apo ni Anselmo. Nagsulat ako sa Quezon City bago umuwi dito kahit hindi ko sigurado kung may pagkakataon para magsalita o sabihin ang anomang masusulat ko. Nagsulat ako bilang paraan ng pagproseso sa nangyari. Kakabalik ko lang ng QC nung isang buwan matapos ang dalawang taon simula nung naglockdown. Ako ay nag-aaral ng pelikula at nagsusulat tungkol sa pelikula. Hayaan niyo kong magkwento gamit ang pormang pinagkakadalubhasaan ko. Sequence 1. Interior. Bedroom ng condo. Day. Nagising ako nang walang alarm. Napagdesisyunan ko nung gabi na tanggalin,kasi ilang araw na akong banas sa tunog niya. Bumaba mula sa taas ng double deck, isang bedspace na aking inuupuhan. Tumingin sa celpon. Alas otso palang pala ng umaga. Maaga ito kesa sa alas diez na alarm at paggising ko kadalasan. Binuksan ko ang mobile data para maging online at nagsimulang tumunog at dumating ang mga mensahe. Cut to: Sequence 2. Interior. Ku...