Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay
“Summer capital of the Philippines,” ganito binansagan ang lugar na Baguio City. Sa aking mga paglalakbay, isa ang Baguio sa aking mga hindi malilimutan. Tatlong beses na akong nakarating dito: ang unang dalawa (Septyembre 2007 at Mayo 2016) ay kasama ang aking pamilya at ang huli ay field trip sa aming paaralan (Oktubre 2016). “Hindi nakakasawa,” sabi ko sa aking isipan nang makarating muli ako. Malamig ang klima rito, batid naman ito ng nakakarami; ito na siguro ang pangunahing dahilan ng mga turista sa kanilang pagbisita. Subalit bukod sa malamig na klima, tunay na marami pang maipagmamalaki ang Baguio! Isa na rito ang Burnham Park , ang itinuturing puso ng Baguio. Dahil hindi iyon ang aking unang pagbisita, masasabi ko na may mga nagbago. Lalong dumami ang tao, mas pinaganda ang ilang anyo ng istraktura, at higit na kasiya-siya kumpara sa aking huling pagpunta. (Trivia! Ang tanyag na parke na ito ay ipinangalan...