Nawawalang Panulat

Balita ko, hindi ka na raw nagsusulat.
Bakit?
Hindi pa naman ubos ang tinta ng iyong panulat
Nasaan na ang iyong mga salita?
Hindi ba kailangan mo ito para sabihin ang mga hindi mabigkas ng bibig.
Tumigil ka na.
Tumigil ka na ba?

Balita ko hindi ka na raw nagsusulat.
Bakit?
Hindi pa naman ubos ang ideya sa mundo.
Nasaan na yung galit sa iyong dibdib?
Hindi ba ayaw mong maipon ito dahil hindi sapat ang loob para magtiis?
Mukhang nagpatawad ka na.
Nagpatawad ka nga ba?

Balita ko hindi ka na raw nagsusulat.
Bakit?
Hindi pa naman ubos ang pag-ibig sa puso.
Nasaan na yung mga sakit na iyong kinikimkim?
Hindi ba gusto mo ang pakiramdam ng may naisusulat.
Tila masaya ka na.
Malaya ka ba?

Hindi ka na nagsusulat.
Marami kang papel pero nawala ang iyong panulat.
Hindi mo naman winala pero naligaw ito sa daming gustong tiyakin.
Nag-iisa ka pero hindi mo alam ang tatahakin.

Baka 'yon ang problema.
Mahirap tiyakin ang daan kapag nag-iisa
Wala kang kasamang maligaw.
Wala kang kasamang sumigaw.

Hindi ka na nagsusulat.
Marami kang oras pero hindi mo naman masukat.
Kung kailan pinagbigyan ka ng panahon,
tsaka mo sinayang ang napakaraming pagkakataon.

Di bale na, sabi mo.
"Magsusulat na ako," pwede mo bang ipangako?
Uubusin natin sa magdamag ang bawat tinta
Uubusin natin ang sakit, galit, hanggang sa wala ng salita.

Balitaan mo ko ha - kapag hindi ka na muling hindi magsusulat!


TBWS
11 October 2019

Basahin ang Para Sa Mga Takot Magsulat kung nakahango ka mula rito.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)

Tiwala

Bar Boys (2017): A Movie Review

Patay na si Hesus (2016): A Review

Buhay Estudyante