Maluwag na Sinturon

Hindi madaling maging payat. Puno ng inggit ang loob kapag ang mata ay nakaramdam ng malusog. Kapag naman ang bibig ay nakakita ng maganda - magandang damit sa magandang katawan at magandang katawan sa magandang mukha, ang isip ay nakakaamoy ng hiya.

Baligtad. Hindi ba?

Nakakapagtaka na nakakaramdam ang mata ng inggit, nakakakita ang bibig ng mabuti, at nakakaamoy ang isip ng pangamba. Nawala na yata ang tiwala sa sarili o pag-asa ba. Nakakapagod kasing magutom. Hindi nakakapagod ang kumain. 

Baligtad. 

o Tama?


Kumain daw nang marami - tanging solusyon sa hindi pantay-pantay na disposisyon. 
Payat kasi hindi kumakain. Kumakain kasi may pangkain. May pangkain kaso tamad kaya raw payat. Halata ang pribilehiyo ng maykaya  sa may pag-asa. Halata rin ang kawalang gana ng sistema sa sistema ng baguhin ang nakasanayan na pagpapalipas, pagtitiis, at pagkaka-kabusog. 

Sinuka ang pagkain; sumuka ng wala. Pagkagasing sa umaga ay tubig ang naging kasangga. Araw-araw ay ganoon ang sistema. Kaya minsan ay hindi nalang nabangon o kaya hihiling na h'wag magising. Ayaw nang gumising kasi masakit pala ito sa katawan. Walang pilay pero 'di alam kung paano tatayo kung lamanloob ay gustong kumawala. 

Impossible. Puyat lang siguro. 

Ang asido sa ilalim ay umaakyat sa butas. Hindi barado ang butas; bukas pero nakasara. Luha ang tumulo sa pagsuka. Ang pagmumumog bago maghilamos ay paglilinis sa diwang sawa na. 

Sawa na sa pagsusuot ng pantalon at kung paano pasisikipan gamit ang maluwag na sinturon!


-TBWS
15 OCTOBER 2019



Comments

Popular posts from this blog

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pelikula at Bansa: Ang Pagbuo ng National Cinema

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pelikula at Bansa: Mga Potensyal at Hadlang Para sa Kaunlaran

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Bar Boys (2017): A Movie Review

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna