Para Sa Mga Takot Magsulat,

Hindi na laro ang paggamit ng mga salita. Alam ko ang galak kapag ang dulo ay magkatugma. Subalit hindi lang dapat panay tunog at emosyon ang mangingibabaw sa bawat linya. Nasaan ang loob at isip, lalo na ang itinatagong politika?

Madaling magsulat, sabi ng isang manunulat. Pero kung ano ang isusulat, ayun ang mahirap. Laging tugma ang nakaraan, hindi ba nakakasawa? Laging may tanong, e paano hindi alam ang sagot. Kaya siguro tanong nang tanong – umaasa na makakakuha ng sagot sa mga salitang idinurugtong. Laging ganito nalang ba? Nagsusulat dahil maraming papel, ideya, pag-ibig, at sakit? Ano pa nga ba ang gagawin sa papel na naghihintay malapatan ng tinta, sa ideyang nais mabuhay sa salita, sa pag-ibig na hindi binalik at ipinadama, at sa sakit na hindi na pwedeng itago pa?

Bakit ka matatakot magsulat? Bakit ka matatakot magsulat kung ang paglimot ay mas madali pala? Magsulat ka dahil alam mong kahit walang makaalala ay mababawasan ang pasan ng balikat. Walang dahilan para matakot sa panahon na dapat isulat ang pwedeng kalimutan. Kung ang kwento ay nabuo ng panahon, isulat ito para sa henerasyon na walang alam sa nakaraan.

Para sa mga takot magsulat, tandaan mo na duwag ang isang manunulat na takot gamitin ang kanyang panulat

-TBWS
16 October 2019

Comments

Popular posts from this blog

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pelikula at Bansa: Ang Pagbuo ng National Cinema

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pelikula at Bansa: Mga Potensyal at Hadlang Para sa Kaunlaran

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Bar Boys (2017): A Movie Review

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna