A.M.

Parang natatakot akong maging gising pa rin sa ganitong oras.
Delikadong mag-isip.
Delikadong mag-isa.

Pinilit ko ang sarili ko na matulog bago mag alas-dose para maligtas ng ilang Linggo pero may gabi, tulad nito, na pumapalpak ako.

Hindi inasahan.
Bakit ko aasahan diba?
Takot nga ako diba.
Hindi ba?

Nagpaalala na naman ang utak ko.
Ng kamalian. Ng pagsisi.
Ng kakulangan. Ng kawalang halaga.
Sana iba ang pinaalala, kung mahihiling ko lang. 
Sana. 

Ang bigat kaso hindi ko mahanap kung ano.
Kung alin. Kung saan. Kung sino.
O bakit, o kaya paano?

Matutulog ako. 
Magigising at buburahin ang bawat kataga na nadama sa panahon nang naisulat ko 'to.

Kalimutan nalang natin.
Ulit.

16 June 2020

Comments

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)

Tiwala

Bar Boys (2017): A Movie Review

Patay na si Hesus (2016): A Review

Buhay Estudyante