MAIKLING KWENTO: Dugo at Tubig
“Walang kikilos! Raid ‘to!” sigaw ng pulis pagkapasok ng silid, subalit napahinto ito sa nakita. Binaba niya nang bahagya ang kanyang nakatutok na baril upang lalong matunghayan ang isa sa mga lalaking nakaupo. Nanigas ang pulis sa kanyang posisyon hanggang sa tinapik siya ng kanyang kasamahan. Hudyat ito ng pag-aresto sa mga nahuli sa aktong gumagamit ng droga. Lumapit si Indigo sa lalaki at kanyang pinosasan ang mga kamay, ganon din ang ginawa ng ibang pulis sa ibang nahuli na pawang walang bahid ng anuman kadungisan. Humanay ang limang naaresto at pinahakbang palabas ng bahay nang biglang nanlaban at nang-agaw ng baril ang isa sa kanila. Nagdulot ito ng kaguluhan sa operasyon. Nasawi ang pulis na nakuhanan ng baril; agad din namang nabaril ang lalaking nang-agaw. Sa kasamaang palad, nagawang makatakas ang dalawa sa mga suspek. Agad na hinabol ng mga pulis ang mga nakatakas at isa rito ay ang lalaking pinosasan ni Indigo. Para sa kanya, responsable siya sa pagkawala ng kany...