Manuscript: KLAS.RUM 2015
N1: Ito ang mga karaniwang problema
N2: mga karansan
Both: at mga kalokohan ng isang
klase!
o Panibagong araw na naman ng pagpasok.
Oo, ang paggising ang pinakamahirap na gawin sa buong araw pero pagtingin mo sa
oras …
(Tingin sa
clock) “Late na naman ako.”
o Dagdag pa sa kamalasan mo, papasok
ka na nang mapansin mong wala kang suot na I.D
“Ay. Patay!”
Gusto mong magbago subalit palagi
nalang ganito kaya malabo!
Number 1:
Natural
lang ito sa loob ng klasrum, ang MATULOG o
MAKATULOG. Pwedeng puyat ka o sadyang antukin ka lang. Matatalo ka
talaga sa labanan ng antok lalo na kapag sobrang boring yung klase.
“Mr.Araos…….Mr. Araos? Mr. Araos? Mr. Araos?”
Kung hindi naman tulog, nasa ibang mundo ang isipan tulad nito.
Number 2:
“Class, get a whole sheet of paper.”
Pangalawa,
walang papel. Isang himala na matatapos ang taon, wala ka pa rin papel.
“Peram ballpen!”
Ito pa, ito pa, ito pa! Mga estudyanteng pumapasok ng walang
ballpen! Di ba ang galing? Naging
estudyante pa!
“Parang
ikaw, may ballpen!”
Nakakahiya
man sabihin, ito yung mga taong hindi mabubuhay pag walang load pero walang
pambili ng papel o ballpen o parehas. Ito yung mga taong madalas gumala pero hindi makabili kahit may pambili naman.
Number 3:
Naranasan
mo na bang abutin ng mahabang pila tuwing Recess?
(Ipakita ang super habang pila mula simula hanggang
dulo)
Yung tipong malapit na kayong magtime, hindi ka pa rin
nakakabili! (ring bell)
“anak ng
tutchi naman, oh!”
Number 4:
Ito
ang imposibleng hindi mo nagagawa sa klase, pwera nalang
kung highschool ka na at wala ka pang cellphone.
“#wattpadpamore# then “FBpamore”,
“Tweetpamore”, “#laropaore”, and “#textpamore”
Tapos
malimit pang sabihin ng mga guro
“Pumasok pa kayo? Kung ganyan lang ang
aatupagin mo.”
Number 5:
(N1)
Ito ang pinaka-pinaka-pinakaayaw ng estudyante, (N2)ito ang kinatatakutan natin
(horror music) (N1)ito yung mararanasan niyo na lang ‘buwan-buwan’ (gasp!) (B)“Hell
Week” kung tawagin ito!
Ito yung tiyempong sabay sabay yung projects … assignments … research ..
Yung tipong sasabay pa Exam! Gusto mo nang sumuko sa lahat
“ayoko
na!”
Ikaw naman …. Wag kang
ganyan.
o Hindi lang problema ang meron sa mga estudyante. May
kasiyahan din minsan at hindi mawawala ang mga kalokohan.
Number 6:
Pag-usapan at mag-usapan ang
mga mannerism ng mga guro.
Sabihin ang mga opinyon sa mga turo nila.
Ilahad ang mga positibo o negatibong napapansin sa mga ito.
Number 7:
Sabay-sabay sa pag-CR
“Guys, yung totoo? Sabay-sabay baa ng mga
pantog niyo?!”
Well, alam naman nating
lahat na hindi talaga sila umiihi.
Yung iba lang ay:
Number 8:
Mga KA-LO-KO-HAN!
Sa aming klase, madalas
ang mga kalokohan, pero syempre ganun din naman sa iba.
Unang level ng kalokohan: Pagtatali
ng bag ng kaklase sa upuan.
Paano? Itali ang sling ng bag sa upuan nang
mahigpit na mahigpit, yung super complicated ba na knot.
Diba ang dali lang
gawin.?
Pangalwang level na kalokohan: Ang mamicture ng mga kaklase nang patago /slash/ stolen
shots.
Paano: Ihanda ang phone
Tanggalin ang shutter at flash ng camera
Magpanggap na ginagamit ang phone nang normal.
Simulan and select
your target!
Ikatlong level na kalokohan:
Ito na siguro ang isa sa
mga matitinding kalokohan; ang baguhin ang oras ng orasan.
Paano: Maglagay ng look-out sa pintuan
I-adjust ang oras ng 10
minutes advance
Siguraduhing payag ang buong klase
Siguraduhing walang wristwatch ang gurong bibiktimahin kung ayaw
mahuli at makapagklase sa labas!
(C1)“Dagdagan mo pa!”
(C2)“Wag na, baka mahalata!”
(LOOK-OUT)“Nandiyan na si
Ma’am”
(Balik sa upuan ang lahat and PLAY
INNOCENT!)
Ayan lang ang tatlong
kalokohan na nagawa ng aming klase. Pero napakadami pa, tulad ng;
ü magpabango bago mag classpicture
ü biktimahin ang kaklase sa sirang upuan
ü mangulbit ng kaklase at magpanggap na walang alam
ü at magsabit ng wig sa kisame na may kurtinang kasama.
N1: Ito ang mga karaniwang problema,
karanasan at kalokohan ng mga estudyante.
N2: Madami pa kaming gustong ikwento
N1: Marami pa kaming nais ibahagi na
karanasan
N2: Madami pa kaming ilalahad na
kalokohan
“Class, return to your
proper seats!”
N1: Pero nandiyan na yung teacher namin
N2:at sa susunod na kasiyahan at kalokohan namin!
Both: Kitakits!
Panimula:
Ang dokumentaryong
matutunghayan ay hango sa tunay na pangyayari at karanasan. Kung matatamaan man
sa mga eksena, kami na ang nakikisuyo na tumawa nalang. Ang mga gagampanan ng
mga tauhan ay walang kinalaman sa kanilang mga personal na buhay.
Wakas:
Ang mga nasaksihan niyong
kuwento ay pawang katotohanan subalit ang mga tauhan na gumanap ay napili
lamang at wala itong ugnayan sa kanilang personalidad at ang mga linyang inyong
narinig ay hinango sa mga tunay na pangyayari at karanasan bilang isang
estudyante. Maaaring natamaan kayo o may kilala kayong matatamaan, gusto lang
naming ipaalam na hindi intensyon ng dokumentaryong ito ang makasakit ng
damdamin. Maraming Salamat! Ang babait ninyo!
Ang
tema ng ating kwento ay ang mga
karaniwang problema, karansan at kalokohan ng estudyante. (EstudyanteProblems).
May
dalwang magkaibigan, isang lalaki at babae, ang nagkwekwentuhan at sinimulang
magbahagi ng kanilang kwento sa klase.
The
setting/genre of this short documentary is like A STORY BEHIND A STORY.
*Huwag kalimutan ang mga rules ng Director!
Maraming salamat. Koopersyon ang kailangan dahil isa lang ang habol natin.
Aral/Mensahe: Buhay Estudyante
Walang ballpen, walang papel, walang assignment, walang pasok! Ganyan ang
buhay estudyante, masarap, mahirap, madali, nakakainis, at nakakapagod. Masarap
maging estudyante kasi araw-araw may baon.
Mahirap lalo na kapag maraming assignments at proyekto. Madali
kapag nabubuhay ka sa hingi. Nakakainis kapag lagi kang napapagalitan ng
guro at nakakapagod gumising ng umaga.
Buhay estudyante! Madaming nangyayari sa isang estudyante.
Marami kang nararanasan na kung ano-ano. Mapagalitan, mapatayo, mapahiya,
bumagsak, mapatawag sa office, magkaroon ng kaibigan, makipag-away , gumala,
magsaya, umuwi ng gabi, magsinungaling, gumawa ng kalokohan at lalo na ang
umibig.
Walang araw na hindi magtatawanan ang barkada. Naranasan mo
nang bumagsak at nakalimutang may assignment. Madalas kang mangopya at
manggaya. Naransan mo na ring kumain, magtext at magtweet patago habang
nagkaklase. Kalimitang walang papel. Meron kang pangload pero wala kang pambili
ng papel at ballpen. Marami kang oras sa pakikinig sa paborito mong kanta pero
wala kang panahon para sa pakikinig. Nakakatawa diba? Pero ito ang katotohanan.
Minsan papasok na lang sa isip mo na mas gusto mong maging
bata nalang ulit. Laro doon, laro dito, walang mabigat na assignments, walang
stress, magsusulat at magkokolor lang maghapon. Pero sigurado ako na paglaki
mo, mamiss at mamiss mo rin ang pagiging estudyante. Kaya sulitin mo na ang
bawat araw ng pagiging estudyante mo. Huwag puro kalokohan maging responsible
naman tayo kahit minsan. Ayos lang ang gumimik basta magpaalam ng maayos sa ating
magulang. Huwag mabuhay sa hingi matuto kang bumili kahit minsan. Masaya maging
sestudyante, PRAMIS!
Comments
Post a Comment