TULA: Sukat at Tugma
SUKAT AT TUGMA
Nagbubuhol-buhol – buhol ang
mga titik
Nagwawala, walang ideya sa
isip
Sa lahat ng tanong, natira ang
bakit
Bakit? …may mga bagay na di ko
mabatid
Nasisid ang kailaliman ng
dagat
Kataas-taasang hakbang ay
naakyat
Ngunit hindi mawala-wala ang
lamat
Sa mga ala-alang walang mga
pamagat
‘Yong lumang basong hindi
mapuno-puno
Busog sa umaapaw na argumento
At ika’y tumalon, natapos ang
gulo
Tumahimik sila, loob ay
nanlumo
Sinungaling ang tingin ng
iyong mga mata
Nahulog sa bangin – walang
nakakita
Mababaw raw pero sobrang tinik
pala
Hoy! Bigyan pansin naman nawa
ng madla.
Ang Hikahos ng Depresyon
Comments
Post a Comment