“Nakukubli”

Akala ko hindi totoo. Akala ko imbento lang. Akala ko kathang-isip lang. Subalit isang umaga, nagising ako at nagbago itong lahat. Sa una, hindi ako makapaniwala. Sino nga ba ang maniniwala? Sino ang maniniwala na may abilidad ka na hindi kaya ng isang ordinaryong tao? Sino ang maninniwala na iba ka sa karaniwan at may kakaibang kakayahan kang taglay? Ikaw? Maniniwala ka bang may kapangyarihan ako?

Nakakatakot. Nakakapanibago. At nakaka-aliw. Nakakatakot kasi hindi ka normal sa karamihan at alam mong hindi talaga ito normal. Nakakapanibago kasi apektado ang pamumuhay mo. Apektado ang mga karaniwan mong gawi dahil kadalasan hindi mo makontrol. At nakaka-aliw kasi nakakaranas ka ng kakaiba, kakaiba sa lahat ng kakaiba. Yung mga bagay na gusto mong gawin, maaari mo nang gawin. Yung mga nais at hiling mo, hindi ka na mahihirapan nang sobra. Ganyan ang buhay ko.

Ako lang ang nakakaalam nito. Hindi ko sinasabi kaya walang may alam, (syempre maliban sa’kin). Ayoko rin namang ipaalam at wala akong balak na ipaalam kailanman. Hindi ko alam kung merong iba pa na gaya ko. Hindi ko na iyon iniisip at ayoko nang isipin dahil paniguradong magiging komplikado. Ang gusto ko lang, mapanatili ang buhay ko na normal at karaniwan tulad ng iba hangga’t kaya ko. Mamuhay bilang isang mag-aaral. Mamuhay bilang isang menor de edad. Mamuhay tulad ng dapat na pamumuhay ng isang taong nasa edad ko. Pinilit kong ikubli para maiwasan ang anomang komplikasyon na maidudulot nito. Kaso paano kapag isang araw, nabuking ito? Hindi lang ng isang tao kundi ng buong klase?



--

"Nakukubli"
-TBWS
JUNE 2015

This was a concept written 3 years ago for a short movie that never had the chance to be filmed. A screenplay was also made during that time but never got executed.


English version available "Hidden": by Gerrylee Soriano 

Comments

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Pagkain ng Pinoy Pagyamanin, Malnutrisyon Ating Sugpuin, Kalamidad Sama-samang Harapin

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Pagsulat sa Filipino - Repleksibong Sanaysay

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)