Pagkain ng Pinoy Pagyamanin, Malnutrisyon Ating Sugpuin, Kalamidad Sama-samang Harapin

Pagkain ng Pinoy pagyamanin, malnutrisyon ating sugpuin, kalamidad sama-samang harapin, paksang tinatalakay ngayon, isyung kinakaharap ng bayan at adhikain para sa ating mamamayan. Pagyamanin ang pagkaing Pinoy upang hindi mawala sa hapagkainan. Kagutuman ay ating sugpuin upang malnutrisyon ay maagapan. Kalamidad ay ating paghandaan upang sakuna’y mabawasan. Isa itong magandang adhikain para sa ating bansa. Isa itong mabuting misyon para sa ating mamamayan at ito ay isang maganda na paksa na dapat natin tutukan at masuportahan.

Ang kultura ay parang babae – na dapat pinapahalagaan, iniingatan, inaalagaan at higit sa lahat pinagyayaman. Tulad ng pagkaing pinoy, dapat natin itong bigyang halaga upang mabigyang pansin pa rin hanggang ngayon. Dapat din natin itong ingatan at alagaan upang hindi mawala sa bawat hapagkainan ng bawat Pilipino at higit sa lahat dapat natin pagyamin ang pagkaing Pinoy upang hindi lang sa ating bansa ito matuklasan at makilala kundi na rin sa buong mundo. Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino. Taas noo natin ipakilala ang pagkaing Pinoy. Pagyamanin natin upang hindi kailanman mawaglit sa aating kultura ang pagkaing Pinoy.

Mapahanggang sa ngayon, isyu pa rin ng ating bansa ang malnutrisyon. Ano nga ba ang malnutrisyon? Bakit hanggang ngayon isyu pa rin ito ng ating bayan? May ginawa na bang solusyon ang ating pamahalaan? Ang kahirapan ay ang nagsasanhi ng kagutuman. Ang kagutuman ay ang nagbubunga sa malnutrisyon. Ang malnutrisyon ay ang kakulangan sa tama at sapat na pagkain. May naging mga hakbang ang ating pamahalaan sa paksang ito subalit batay sa aking nakikita, hindi ito sapat. Ang programa tulad ng “Feeding Programs” ay hindi pangmatagalan. Para sa akin, dapat tutukan ng ating pamahalaan ang kabuhayan ng mga nasa mababang antas ng lipuna tulad ng mga mahihirap at nangaingailangan. Sa madaling sabi, “sa iyong pagtulong huwag ka lamang magbigay ng isda kundi turuan mo silang mangisda.”

Kalamidad ay sama-samang paghandaan upang sakuna’y mabawasan. Isa sa mga matitinding kalamidad na kinakaharap ng ating bansa taon-taon ay ang bagyo na nagreresulta sa malaking pagkasira ng mga estraktura, pagguho ng mga lupa at malawakang pagbaha. Hindi natin mababago ang klima at panahon ditto. Hindi rin natin hawak ang maaaring dumating na kalamidad at hindi rin natin ito kayang pigilan subalit mayroon pa tayong magagawa, ang paghandaan ito. Ang pagiging handa ay pagiging maingat. Ang pagiging maingat ay makababawas, kung hindi man ikawawala, ng mga posibleng sakuna. Marapatingkalamidad ay sama- samagn harapin at paghandaan upang sakuna’y mabawasan.

Bigyang halaga, maging alerto, maging matulungin, maging maagap at maging maingat - ito ang mga paraan upang magtagumpay ang adhikaing ito. Pagkaing pinoy ay pagyamanin. Kagutuman at malnutrisyon ay agapan at sugpuin. Kalamidad ay sama-samanga haraping at paghandaan upang mga posibleng sakuna’y mabawasan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Pagsulat sa Filipino - Repleksibong Sanaysay

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)