Ang Mapanghusgang Buhay


Walang taong perpekto! Ito ang kailangan nating tandaan sapagkat masasabi kong lahat ng to ay mapanghusga. Tulad ng pangalwang pangungusap ko, isang panghuhusga na iyon. Kahit sino nakakapagsabi ng mga salita na nakakasakit pero di naman nila sinasadya. Wala naman talagang taong perpekto kahit ipaayos mo pa ang buong katawan mo hindi magbabago ang tunay na ikaw. Alam kong gustong nating lahat na maging perpekto subalit mukang suntok sa buwan ito.


Ikaw, ako, lahat tayo ay nakapaghusga na. Di mo man sadyain, nakakapagbitiw ka ng mga salita. Ako bilang estudyante madami akong kakilala na mapanghusga. Napansin ko rin na yung mga taong mapanghusga ay nahusgahan na rin minsan. Ang buhay nga ay parang isang gulong,minsan nasa taas ka kalimitan nasa ibaba. Minsan ikaw ang nangunguna kalimitan nasa huli at minsan ikaw ang nang-aapi madalas ikaw ang naaapi. Walang perpektong buhay kaya asahan mo na puno ang mundo ng panghuhusga.


At sa oras na ito, madaming nanghuhusga at nahuhusgahan. Lahat ng sinulat ko rito ay base sa aking nakikita sa’king paligid. Tao lamang tayo na nagkakamali at lahat tayo ay may kapintasan kaya bago tayo manghusga tumingin muna tayo sa salamin. Huwag tayong manghuhusga kapag alam natin na nagkakamali rin tayo. At higit sa lahat, tandaan natin na walang perpektong tao.



-TBWS
October 11, 2013

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Tiwala

Bar Boys (2017): A Movie Review

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Patay na si Hesus (2016): A Review

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Torpe

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)