Ang Pilipinas


Pilipinas, ang bansang sinilangan
Pilipinas, ang bansang nakalimutan
Pilipinas, ang bansang kahahantungan
Pilipinas, isang bansang pumanaw

Noon at ngayon, laki ng pinagbago
Isang punong mayabong ang nakatayo
Sa isang kisapmata, ito’y naglaho
Bakit? Dahil sa kagagawan ng tao

Mga bulag at pipi sa kasalanang nagawa
Kahit sino ayaw nang magsalita
Paano’y ganid magbigay miski delata
Mga pulitikong bulok na naliligo sa pera


Kahirapan at kagutuman, hindi na naiwaksi
Ating pamahalaan na ayaw maging saksi
Mga tenga ng bawat isa ay tila bingi
Miski isang butil ng bigas hindi ka makahingi


Nagbago ang edukasyon sa ating bansa
Ano kaya ang posibleng maging resulta?
Mga solusyon sa isyu na hindi makita-kita
Ano ang mangyayari sa kasalukuyang Sistema?


Tayong mga Pilipino ay piping saksi
Sa kasalukuyang suliranin na nangyayari
Boses at dignidad ng tao na nabibili
Ang karapatan at lakas ng tao ay tila nakakubli


Pilipinas, bansang sinira ng naninirahan
Pilipinas, bansang walang kasiguraduhan
Pilipinas, bansang marumi ang kalikasan
Pilipinas, bansang patay ang kinabukasan


-TBWS
October 2014

---
Makikita sa ibaba ang aktwal na output ng tula.


Comments

Popular posts from this blog

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Buhay Estudyante

FILM ANALYSIS: The Founder (2016)

Tiwala

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Bar Boys (2017): A Movie Review

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay