Pag-Ibig
Pag-ibig
ang pinakamahiwagang bagay sa mundo
Ilahad
mo sa mga paraan na depende sa iyo
Lahat
magagawa masabi lang ang nararamdaman
Lahat
tatahakin makasama lang minamahal
Oras,
panahon, atensyon: sangkap sa pag-iibigan
Tiwala,
respeto, pag-unawa, marapating taglay
Ang
pagmamahal sa minamahal ipakitang tunay
Sana’y
huwag magsawa kung talagang minamahal
Subalit
pag-iibigan ngayon ay tila nagbago
Ang
pag-ibig at ang emosyon ay isa nalang laro
Wala
nang nagpapakatotoo, parang isang biro
Mabibilang
sa kamay ang mga natatanging seryoso
Ano
ang nangyari sa mga nakagawiang tradisyon?
Kaya
ang problema sa kasalukuyang henerasyon,
Pinakilig
lang nang lubusan, naging mahal na agad
Kaya
kapag sinaktan at nasaktan, sagad na sagad
Ikaw
ay nagmahal pero ika’y niloko’t sinaktan
Ikaw
ay natuto subalit natakot nang magmahal
Umibig
muli upang kaligayahan ay makamtan
At
upang magkaroon ng wagas na pag-iibigan
Pag-ibig,
ang pinakamahiwagang bagay sa mundo
Ipakita
at sabihin mo sa talagang mahal mo
Magmahal
nang tunay upang mahalin nang lubusan
Huwag
magloko upang makamit ang tunay na kaligayahan.
-TBWS
October 2014
---
Isa sa mga proyekto sa Filipino.
Makikita sa ibaba ang aktwal na output ng tula nang ito ay naipasa.
Comments
Post a Comment