Halaga
A
|
ng
buhay raw ay mahalaga, kaya ito raw ay nararapat lang na maingatan. Mahalaga
nga ba ito o sa atin lang nagmumula ang kaisipan na ganito? Tunay na mahalaga
ang buhay. “Malamang,” sagot ng karamihan. Sino nga ba ang makakapagsabi ng
tunay na kahalagan nito kung hindi tayo lamang na may taglay nito; ang may-BUHAY.
Likas sa atin na sabihin na mahalaga
ito. Subalit pinapahalagahan ba talaga natin ito? Kung iisipin, hindi. Hindi
natin ito pinapahalagan tulad ng pagpapahalaga na naaayon sa inaakala. Ikaw?
Paano mo pinapahalagahan ang buhay? Ako? Hindi ko rin alam kung paano ko
maisasatitik kung paano. Mahirap at komplikado; hindi madali at hindi sigurado.
Gaano kahalaga ang buhay para sa’yo?
Mahalaga ito tulad ng pagpapahalaga
mo sa cellphone na dinaramayan ka sa
tuwing wala kang kasama at magawa. Mahalaga ito tulad ng paborito mong damit na ayaw na ayaw mong masuot ng iba
nang walang permiso mula sa’yo. Mahalaga ito tulad ng mga luho mong may mataas ng halaga subalit walang masabing kwenta. Tama
ba ang aking mga pahayag? Mukang may mali sa mga ito.
Ulitin natin at simulan sa ganito:
Mahalaga ito tulad ng kahalagahan ng
pagkain ng tao. Mahalaga ito tulad ng
pagpapahalaga mo sa ballpen mong
takot kang mawala. Mahalaga ito tulad ng kahalagahan ng isang taong takot kang
makuha ng iba. At mahalaga ito tulad ng pagpapahalaga mo sa isang taong takot kang iwan nalang bigla.
Sapat na ba ang aking mga sinabi
upang maipaliwanag kung gaano kahalaga ang buhay? Mukang hindi pa.
Mahalaga ito dahil hindi magkakaroon
ng saysay ang lahat ng ito kung wala o mawawala ito. Ang buhay ng tao ay
mahalaga dahil walang sinuman o anuman ang kayang magkaroon ng pangalawang
pagkakataon. Mahalaga ito dahil walang sinuman o anuman ang makakabili nito na
katumbas na tunay na halaga nito. Mahalaga ito dahil walang sinuman o anuman
ang makakapantay sa natatangi anyong ibinibigay nito. Mahalaga ang buhay ng tao
dahil isang beses lang tayo magkakaroon nito at ang isang beses na ito ay ang
huling beses natin sa mundong ito.
~TBWS
september 2015
Comments
Post a Comment