Walang Pamagat


Walang Pamagat

Sinimulan kong magsulat para sayo
Hindi ko alam kung kailang ‘to hihinto
Mga salita na galing sa puso’t isipan
Ang aking pag-ibig ay hindi na matatakpan

Isang tulang nagbabakasakaling maging kanta
Isang saknong na umabot sa ikalawa
Isang tibok ang aking nadama
Sa isang taong aking nakilala

Ika’y nakatabi sa hindi inaasahang pagkakataon
Nabihag ako at kinuha ang aking atensyon
Ano itong nadarama?
Hindi ko alam, pag-ibig na nga ba?

Mag-intay sa tamang pagkakataon
Mamahalin ka anumang kondisyon
Hindi magsasawa, hindi ka sasaktan
Magiging tapat, at iyong iyo lamang!




TBWS

January 17, 2016



This was published in Utot Catalog on May 11, 2016. 




Comments

Popular posts from this blog

Analysis: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa

Pelikula at Bansa: Ang Pagbuo ng National Cinema

Emerging Filipino Indie Genre in the Philippine National Cinema

Pelikula at Bansa: Mga Potensyal at Hadlang Para sa Kaunlaran

Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga

Pagpapayaman sa Kultura at Wikang Filipino

Breaking the Gold: The Golden Years of Philippine Cinema

Pagsulat sa Filipino - Lakbay-Sanaysay

Bar Boys (2017): A Movie Review

The Historical Origin and Cultural Implications of Bañamos Festival of Los Baños, Laguna