Pabula: Ang Dalawang Magkaibigang Daga
Sa Kaharian ng Dagatanra ay may dalawang magkaibigan. Umusbong ang pagkakaibigan nila noong maliliit pa sila. Magkaibigan din ang mga magulang nila. Palagi rin silang nagkakasundo sa mga kalokohan ng bawat isa. Isang araw, pumasok sa isip ni Bugoy na pumunta sa kweba ng isang higanteng ahas habang nakikinig sa kwento ng isang matandang daga. Ang higanteng ahas ay ang nakaalitan noon ng kanilang pinuno. Ipinagtanggol ni Haring Mapatangra pati ng mga mandirigmang daga ang kanilang mamamayan dahil nanggugulo ang mga higanteng ahas sa palasyo subalit maraming nasawi sa sagupaan na iyon. Alam ng magkaibigan ang nangyari noon sa palasyo pero hindi nagdalawang isip si Bugoy. “Buboy, pumunta tayo sa kweba ng higanteng ahas?” hiling niya sa kaibigan. “Bakit? anong gagawin natin doon?” patanong na sabi ni Buboy. “Gusto ko kasing makita ang itsura ng ahas.” “Ha? Ano ka ba? Alam natin na mapanganib sa kweba?” “Eh ano naman! Basta, sumama ka nalang kasi! ” malinaw na sinabi niya sa kaibigan. “Si